Monday, August 30, 2010

Pangarap ng mapayapang tao


Ako'y maghihintay para sa hinaharap
Gagawin ko 'to para makamit ang pangarap
Ang pangarap ng isang mapayapang tao
Na masabihan siya ng isang matamis na "Oo"

Mula sa puso ang lahat ng ito
Kahit na ako ay mukhang hito
Sobrang lupet ko naman tumula
Kapag ika'y tinulaan ko, baka ika'y mamula.

SAGAD ako sa pagmamahal, kahit medyo mahirap
Kasi 'nga ito'y isang pangarap
Sabihan mo lang ako ng "OO"
Mamahalin kita ng "TOTOO"

APIR!
Pero 'wag mo ng sundan ng DISAPIR!
Dahil ayaw kitang mawala
Tumingin ka lang sa mga tala
Nang ako'y iyong maalala

by: Apir! a.k.a. Moja

2 comments:

  1. Hanep na pangarap yan, haha! Hintay mo lang, dadating yan.

    ReplyDelete